Una sa Balita

Lalaki nag-dive tumama ang ulo sa bato, tigok

By
0 341

PATAY ang isang binata matapos mag-dive at tumama ang ulo sa bato sa isang irigasyon sa Brgy. Parparuruc, Vintar, Ilocos Norte noong Undas.

Kinilala ang biktima na si Nixon R. Domingo, 31, binata, ng Brgy. Union, Claveria, Cagayan, kasalukuyang­ naninirahan sa Brgy. Parparuruc sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nagpunta ang biktima sa irigasyon para maligo kasama ang dalawang pinsan na sina Christopher Domingo, may asawa at Abet Dalere, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa Vintar Police Station (VPS), habang naliligo ang mga ito, biglang nag-dive ang biktima at tumama ang ulo nito sa isang bato.

Agad na dinala ang biktima sa Governor Roque Ablan Senior Me­morial Hospital (GRASMH) sa Laoag City ngunit dead-on-arrival ayon sa mga doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy