Una sa Balita

LALAKI NA-TRAP SA ELEVATOR NG NASUSUNOG NA GUSALI

By
0 3

Himalang nabuhay at walang anumang malaking pinsala sa katawan ang inabot ng isang supervisor makaraang ma-trap ito ng halos pitong oras sa loob ng elevator habang nasusunog ang gusali na kanyang pinaglilingkuran.

Nakilala ang lalaki na si Jovil Ong, nasa hustong gulang at supervisor ng kumpanyang nasunog na gusali ng Verizon building sa Carlo J. Caparas St., Brgy. Ugong, Pasig City.

“Dumapa po ako at itinapat ko ang aking ilong sa napakaliit na siwang ng elevator para ako ay makahinga” ito ang naging pahayag ni Ong matapos na mailigtas ng mga bumbero mula sa nasusunog na gusali.

Si Ong ay na-trap sa loob ng elevator makaraang masunog ang ika-anim na palapag ng isang gusali .

Nagsimula ang sunog pasado alas-11 ng gabi ng Biyernes, at umakyat na sa 5th alarm ganap na 1:31 ng madaling-araw ng Sabado.

Ang nasabing gusali ay may mga bodega at mga opisina, pero ang palapag na nasusunog ay pawang bodega ng mga tela at damit.

Nagtulungan ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Ugong Rescue Team at City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pasig para mailigtas ang kawaning na-trap sa elevator .