Una sa Balita

Lalaki na may kasong rape buking sa police clearance

By
0 968

MINALAS ang isang lalaki sa kanyang pagkuha ng police clearance matapos madiskubreng may nakabinbin pala itong warrant of arrest sa kasong rape kahapon sa Makati City.

Sa loob mismo ng tanggapan ng Makati City Police Clearance inaresto ang akusadong si Marlon Ulep, 42, naninirahan sa Archer St., Palar Village, Barangay Southside ng naturang lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, dakong alas-tres nang hapon nang madakip ng Warrant Section si Ulep habang kukumuha ito ng kanyang police clearance sa naturang himpilan ng pulisya.

Nadiskubre sa record ng nasabing tanggapan na may nakabinbing warrant of arrest ang suspek na inisyu ni Exe­cutive Judge Norberto J. Quisumbing Jr., ng Branch 21, Regional Trial Court (RTC), Imus, Cavite sa kasong rape na kinakaharap nito.

Walang kamalay-malay at hindi na nakapalag ang suspek habang ito ay nasa loob ng police headquarters nang ares­tuhin ito ng mga awtoridad.

Ayon pa sa suspek na sa kanyang pagkakalam ay naayos na ang kanyang kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy