Una sa Balita

Lalaki kinasuhan sa pagpatay ng kangaroo

By
0 1

SYDNEY, Australia — Kinasuhan ang isang lalaki sa Australia matapos nitong laslasin ang leeg ng isang kangaroo at ini-upload ang nakaka­bahalang video sa pagpatay sa hayop sa social media, ito’y may kasama pang kaso sa pagsira sa protected wildlife, ayon sa mga opisyal nitong Biyernes.

Ipinakikita sa ‘video clip’ ang paglapit ng lalaki sa isang hayop na lumalabas na sugatan, kinausap ito sa salitang Mandarin saka hinablot ang buntot nito at nilaslas ang leeg gamit ang malaking kutsilyo.

Sinabi ng Victoria state’s Department of ­Environment, Land, Water and Planning, ang 43-anyos na lalaki ay inaresto sa Melbourne ­nitong Miyerkules ng gabi at kinasuhan ng ‘one count of destroying protected wildlife’.

Sinamsam din sa suspek ang mga baril, ­kutsilyo at mobile phones.

“We take all alleged cases of animal ­cruelty very seriously,” ayon kay Clenn Sharp, compliance operation manager ng departamento..

Ang lalaki ay humarap sa korte nitong Huwebes at pinayagan itong makapaglagak ng piyansa, pinatawan ng multang aabot sa Aus$38,000 (US$30,000) at dalawang taong kulong.