Una sa Balita

Lalaki dinampot sa knife attack sa labas ng Buckingham Palace

By
0 9

LONDON — ­Inaresto ang isang lalaki nitong Biyernes matapos nitong ­atakihin ang isang pulis ng kutsilyo sa labas ng Queen Elizabeth II’s Buckingham Palace residence sa London, ayon sa pulis, na kasalukuyan nang nagsasagawa ng counter terrorism detectives investigation sa insidente.

Itinigil umano ng 26-anyos na suspek ang kanyang sasakyan malapit sa police vehicle sa isang restricted area sa labas ng palasyo dakong alas-8:35 ng gabi sa nasabing bansa, ayon sa pahayag ng Metro­politan Police.

“Officers spotted a large knife in his vehicle and went to arrest him,” ayon sa statement. “Du­ring the course of detaining the man, two male police officers suffered minor injuries to their arm.”

Ang mga pulis ay isi­nu­god sa ospital para gamu­tin subalit agad din silang pinalabas, ayon sa pulis.

Ang lalaki, na unang inaresto sa hinalang mananakit at aatakihin ang pulis, ay inaresto sa ilalim ng Terrorism Act 2000.

“Detectives from the Metropolitan Police’s Coun­ter Terrorism Command are now investigating the incident,” anang pulis.

Nangyari ang pang-aatake habang ang Britain at karamihan sa Europe ay naka-high alert kasunod sa sunud-sunod na pang-aatake sa nakalipas na da­lawang taon na karamihan ay inaako o isinisisi sa mga jihadists.