Una sa Balita

Lalaki dedo sa heat stroke

By
0 150

Nilabasan ng dugo sa ilong at bibig ang isang 53-anyos na lalaki na natagpuang walang buhay at pinaniniwalaang biktima ng heat stroke, kahapon ng umaga sa may D. Ampil St., Sta.Mesa, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Teddy Sauler, 53, taga-136 K 7th Kamias, Quezon City base sa nakuhang LTO Non-professional driver’s license na nakuha sa kanyang pitaka.

Dakong alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ni Jonel Duenlag, 23, construction worker, at taga-299 D. Ampil St., Sta.Mesa, Maynila ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang Barangay Patrol car malapit sa pader ng Sta. Mesa Town House sa may D. Ampil St.

Nakita malapit sa bangkay ang isang kulay itim na motorsiklo na pag-aari ng biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy