Una sa Balita

Lalaki, binaril sa loob ng bus sa La Union

By
0 1,324

SAN JUAN, LA UNION — Dead-on-the spot ang isang lalaki matapos barilin sa loob ng pampasaherong bus sa national highway ng Brgy. Taboc, San Juan sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Sa kasalukuyan, ina­alam pa ang pagkakilanlan ng biktima na nakahandusay mismo sa loob ng bus.

Sa imbestigasyon ng San Juan Municipal Police (SJMP) pinara ng hindi pa nakikilalang suspek ang bus sa kahabaan ng Brgy. Ta­boc at isinakay naman ito ng driver.

Dito, umakyat ang suspek sa loob ng bus at agad na pinuntahan ang biktima sa kanyang kinauupuan at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagbaba ng bus sa may harap ng Taboc Elemtary School at sumakay sa isang motorsiklo.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga police at manhunt operation laban sa suspek.