Una sa Balita

Lalake ang ayaw mag-threesome (2)

0 554

Dra. Margarita Holmes

Dear Dr Holmes: (shortened April 13 letter)
Ako po si Stephen. Bago pa lang kami ng gf ko (4 month) pero gusto nyang makipag threesome ako isang lalake at siya. nag dadalawang isip akong pag bigyan siya kasi feeling ko masasaktan lang ako pag makikita siyang nakikipag talik sa ibang lalake sa harapan ko. please help me give some advice doc for me to decide thank you so much/ Stephen

Dear Stephen:
Maraming Salamat sa iyong sulat na pinublish nating ng buo sa nakaraang Sabado, Abril 13. Doon, sinabi ko na may 2 mga dahilan na hanga ako sa iyo. Una, hindi ka kaagad nagsabi na papayag ka sa threesome dahil lamang ang gf mo ang nag-alok. Maaring yan ay dahil sa kombinasyon na gusto niya: ikaw, siya at isa ang lalake. Magtatanong lang ako sa iyo, dearest Stephen, kung ang kombinasyon na ina­lok niya sa iyo ay ikaw, siya, at isa pang babae, papayag ka ba?
Kahit na pumayag ka o hindi, hanga pa rin ako sa iyo dahil mayroong ibang mga lalake na payag sa kombinasyong 2 lala­ke at gf nila, dahil inaasa nila na next time baka pumayag ang gf nila na sila at 2 babae ang kumbinasyon ng threesome nila.
Ang ikalawang dahilan na hanga ako sa iyo ay na handa mong i-eksamin ano kaya ang maaaring maging damdamin mo kung Nakita mo siyang nagtatalik sa iba. Palagay mo ay masasaktan ka.
Bihira ang tao na kayang tingnan ang sarili at mag-amin na masasaktan sila. Ayaw nilang magpakitang mahina sila. Gusto nila ang dating nila ay laging mala­kas ang loob. Hindi nila maunawaan na ang mga taong kayang umamin na natatakot sila ay malamang mas matapang kaysa sa ibang tao na ayaw umamin, kahit na sila rin ay takot na takot.
Ang aking payo, Stephen, ay makinig ka sa sarili mo: Huwag kang papayag sa threesome. Kung igiit ka ng gf mo na pumayag sa threesme iwanan mo nalang siya dahil parang mas mahalaga sa kaniya ay makuha niya lahat ng gusto niya, kaysa alagaan ang iyong mga damdamin. Hindi ito ang klaseng gf na matagalan. Inaasa­han ko na nakatulong ako sa iyo, Stephen. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy