Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lakers vs Nuggets sa West Finals: Kawhi, George banderang kapos

0 91

NAG-GATE crash sa Western Conference finals ang Denver.

Diniskaril ng Nuggets ang all-Los Angeles conference finals nang sipain ang mas liiyamadong Clippers 104-89 Martes ng gabi sa Game 7 ng semifinals.

Hindi natuloy ang inaabangang showdown ng Lakers at Clippers, napauwi sina Kawhi Leonard at Paul George.

Nakipagsabayan muna sa first half ang Denver bago kumaripas sa final 24 minutes para kumpletuhin ang malaking upset.

Nikola Jokic at Jamal Murray laban kina LeBron James at Anthony Davis sa West finals.

Humarabas ang Nuggets 28-18 sa third quarter para kumalas mula sa dikitang 56-54 deficit sa halftime.

Hindi na nakabalik ang LA mula sa 82-74 hole pagkatapos ng three.

Sa first round, umahon din ang Denver mula 3-1 series deficit bago sinipa ang Jazz. Nalubog ulit ang Nuggets sa Clippers 3-1 bago tinuhog ang sumunod na tatlong laro.

Walang naisagot ang Los Angeles kay Murray na nagpasabog ng 40 points mula sa lahat ng sulok ng court. Nam-bulldozer din si big man Jokic ng triple-double na 16 points, 22 rebounds at 13 assists, may tig-14 markers sina Jerami Grant at Gary Harris.

Natahimik si Leonard na limitado sa 14 points, 6 rebounds at 6 assists.

Walang back-to-back Finals trip kay Kawhi, inihatid sa titulo ang Raptors noong isang taon. Katiting na 10 points lang din ang kinaya ni George, namuno sa Clippers ang 20 ni Montrezl Harrell off the bench. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.