Una sa Balita

Lakers vs Clippers agad: Mga aksiyon sa FB, Twitter

0 478

WALA pang nakakakuha ng bagong broadcasting rights sa Pilipinas sa mga laro ng NBA kaya pansamantalang mapapanood ang mga aksiyon sa social media.

Ayon sa NBA Philippines, magsisimula ang bakbakang Los Angeles Lakers kontra Los Angeles Clippers sa opening day, Miyerkoles, alas-10:30 ng umaga.

Sa Huwebes naman ay pagbabanggaan ng dalawang Eastern contender na Philadelphia 76ers at Boston Celtics alas-7:30 ng umaga, habang Houston Rockets versus Milwaukee Bucks sa Biyernes sa alas-8.

Ngayon ay wala pang nagmamay-ari ng broadcasting rights ng NBA matapos mag-expire ang kontrata ng Solar Entertainment noong Setyembre.

Samantala, nag-bid na ang partnership ng Sky at Cignal para makapagpalabas ng mga NBA game ngunit wala pa ring development ukol dito.

Ang iba pang laro na ipapalabas sa Facebook maging sa Twitter ay ang Lakers vs Utah Jazz, Sabado, alas-10:30 ng umaga; Rockets vs New Orleans Pelicans, Linggo, alas-8 ng umaga; Portland Trail Blazers vs Dallas Mavericks, Lunes, alas-7 ng umaga; at Rockets muli vs Oklahoma City Thunder, Martes, alas-8 ng umaga. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy