Una sa Balita

Lakers panalo pero Davis masama bagsak

0 321

UNA ang puwet bago ang likod na bumagsak si Anthony Davis sa laro ng Los Angeles Lakers kontra New York Knicks nitong Martes.

Sa third quarter, napasama ang landing ni Davis nang tangkaing butatain ang tira ni Julius Randle ng Knicks.

Binayo ni Davis ang court pagbagsak, halatang ininda ang lakas ng bagsak.

Dalawang minuto rin siyang nasa lapag habang pigil hiningang nag-abang ang mga nasa loob ng Staples Center.

Maya-maya ay tinulungan siyang itayo ng teammates, nakaya naman niyang dahan-dahang maglakad papuntang dressing room.

Lumabas mula locker room ang kanyang agent na si Rich Paul at binalitang negatibo naman ang X-rays sa likod ni Davis pero hindi pa raw nawawala ang sakit.

Nag-a-average ang six-time All-Star ng 27.7 points at 9.5 rebounds sa unang season niya sa LA matapos i-trade ng Lakers ang halos lahat ng kanilang batang players para makuha siya mula New Orleans.
Nilampaso ng Lakers ang Knicks 117-87. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More