Una sa Balita

Lakers iaangat ni LeBron

By
0 1,441

BILANG isang Los Angeles Lakers fan noong a­king kabataan mula kay Magic Johnson hanggang kay Kobe at Shaq, laking gulat ko nang pumirma ng apat na taong kontrata si LeBron James sa tropa, na isa sa pinakamagaling na manlalaro ngayon sa NBA.

Isa sa hinihiling ko, sana sa pagkakataong ito ay maibalik na uli ang era ng dating Lakers.

Kasi matagal-tagal na ring walang nakukuhang kampeonato ang Lakers. Pero ‘ika nga, hindi mangyayari ito ng mag-isa lang siya gaya din ng Golden State na patuloy ring humuhugot ng star players sa ibang team.

Abante Hiring – IT dep

Itong mga nakaraang araw ay patuloy na kumukuha ang Lakers ng mga bagong player na makakasama si LeBron gaya ng sentrong si JaVale McGee, point guard Rajon Rondo at defensive player na si Lance Stephenson.

Abangan na lang natin mga La­kers fan kung sino pa ang madadag­dag.

***

Magsisimula na bukas (Hulyo 14) ang Breakdown Basketball tournament na sinalihan ng iba’t ibang eskwelahan sa Metro Manila, kabilang dito ang AMA Basketball Teams na simula sa 3 division sa 19-Under, ang makakalaban ay ang University of Santo Tomas, 15-Under.

Kalaban naman ng Uste ang Xavier School habang sa 16-Under ay ang UP Diliman na idaraos sa Ateneo Moro gym. Ito’y isa sa mga torneo na kada taon ay nilalahukan ng AMA dahil sa maayos at magandang venue gaya ng Ateneo Moro gym.

Bukod dito, magandang experience sa mga player namin na makalaban ang mga malalaking eskwela na may pulidong programa gaya ng Ateneo, DLSU, San Beda, Xavier at UP.

At nagpapasa­lamat ako sa walang sawang pagsuporta ng aming AMA Chairman Amable R. Aguiluz V, President Amable C. Aguiluz IX at Senior VP Arnel Hibo, kasi kung wala sila ay hindi rin namin magagawa ang sports program ng AMA sports.

***

Ang USA Basketball ay isa sa may pinakamagandang programa sa buong mundo sa naturang larangan at magkakaroon ito ng coaching clinic sa hu­ling linggo ng buwang kasalukuyan at sa u­nang linggo ng Agosto.

Posibleng makabiyahe ang inyong lingkod sa U.S. para magkaroon tayo ng dagdag kaalaman sa coaching, kung saan dumalo rin tayo sa Tate noong nakalipas na taon para mag-aral ng sports science at pagko-coach.

***
Binabati natin si Airness Alao ng AMA PBA D-LEAGUE na patuloy na pakitang-gilas sa laro kahit ito’y rookie sa PBA D-LEAGUE.