Lake Lanao sa Marawi sinuyod sa armas

By

Mas pinaigting pa umano ng militar ang clearing operation sa Marawi City matapos na mabawi ang mahigit sa dalawang dosenang mga armas na itinago ng ISIS fighters.

Sinabi ni Capt. Jo-ann Petinglay, tagapagsalita ng Western Minda­nao Command, nagpadala­ rin sila ng apat na scuba di­vers upang masuyod ang Lake Lanao dahil may mga impormasyon na itinago doon ng ISIS ang iba pang mga armas.

Matatagalan pa umano­ ang clearing operation upang matiyak na ligtas ang mga lugar na pinangyarihan ng labanan sa pagitan ng militar at ISIS.

Nauna nang pinayagan ng militar ang libu-libong mga residente na makaba­lik sa bukana ng Marawi na kung saan ay tapos ang clearing operation. Sinusuyod ng mga tropa ng militar ang mga gusaling pinagtaguan ng mga Jiha­dist sa Barangay Marinaut – ang main battle area.

Kabilang sa mga armas­ na nakuha ng mga sundalo sa lugar ay isang .50 caliber machine gun, tatlong M60 machine guns, isang dosenang M14 rifles, apat na Barrett sniper rifles, dalawang­ AK-47 assault rifles, dalawang Carbine­ rifles, tatlong FN-FAL­ battle rifles, isang M79 grenade launcher at dalawang­ M16 rifles.

SHARE