Una sa Balita

Lakbay Lakay chessfest sulong sa Kyusi

By
0 264

Nakatakdang tumulak ang 2nd Lakbay Lakay Travel and Tours Chess Championships 2019 sa Marso 2 sa 3rd floor ng Barangay Manresa hall sa Quezon City.

Tampok sa one-day event ang tatlong division tournament na non-master, 1950 and below tournament at kiddies Under-14 (1950 and below) class.

Nakalaan ang P6,000 at trophy para sa magkakampeon sa non-master habang may cash prizes ding P3,000 at P1,500 at trophies sa second hanggang third pla­cers, ayon sa pagkakasunod. 
Ibubulsa ng fourth place ang P800 habang iuuwi ng 5th hanggang 10th placers ang ­tig-li-P500.

May special prizes para sa Top Category (At least 5 participants), Senior 55+, College, High School, Elementary, Lady at top Quezon City na P500 each din. 

Ang mga magkakampeon naman sa 1950 and below at sa kiddies Under-14 (1950 and below) division ay hahamig ng tig-P4,000 at P3,000 at trophies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy