Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lakas, partido ni Digong amoy giyera

0 186

Sinopla ng Lakas-CMD ang mga patutsada ni Butch Belgica ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) kaugnay sa nabuong Uniteam Alliance na kung saan pinasaringan nitong nagsasabwatan umano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ng Lakas, sinabi nitong nang-iintriga lamang umano si Belgica para paghati-hatiin ang mga tapat kay Pangulong Duterte.

“Mr. Belgica should stop sowing intrigues that divide forces loyal to the president. Itigil na po niya ang maru­ming politika” ayon sa pahayag partido.

Si Duterte ay tumatakbo sa ilalim ng Pederalismo Partido kung saan ay si Bong Go ang pambatong pangulo.

Una nang pinasaringan ni Belgica ang UniTeam alliance na nagsasabwatan laban kay Pangulong Duterte at sakim sa kapangyarihan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.