Una sa Balita

Lahat sila inutil – Teddy Boy

By
0 3,879

Kinastigo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddyboy’ Locsin Jr., si dating secretary Alan Peter Cayetano, at ang ibang opisyal ng Gabinete dahil sa wala umanong silbi ang mga ito noong nanilbihan siyang Philippine Ambassador to the United Nations.

Sa isang tweet noong Martes, Oktubre 17, binanggit ni Locsin na si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go at Executive Secretary Salvador ‘Bingbong’ Medialdea lamang ang naging tulay niya para makausap si Pangulong Rodrigo Duterte noong nagtatrabaho pa siya sa UN Headquarters sa New York.

Hindi man binanggit ang pangalan, tuwirang pinatatamaan ni Locsin si Cayetano na siyang nakakasakop sa kanyang trabaho sa UN.

“I am voting for Bong Go. The only link I had to the President from New York other than Bingbong. The rest were useless; no one helped me with my NY Mission. Zilch, mga pu—–na kayo,” ayon sa tweet ni Locsin.

“I got no help; zero support; and yet I got the hard job done with full and brutal honesty,” banat pa niya.

Noong Oktubre 12, bumanat din si Locsin sa Philippine delegation sa UN assembly dahil sa pag-uutos ng karagdagang trabaho kahit plantsado na ang lahat.

“As SFA I will end fitbit diplomacy. UN staff do all the work before PH delegations arrive; planchado; yet my people are running around like they have to complete 10,000 steps even if all work is done just so PH delegates look like they assigned them something new to do. No more.” bahagi ng tweet ni Locsin.

Noong Setyembre, pinangunahan ni Cayetano ang delegasyon ng Pilipinas para sa UN General Assembly. Kasama niya sa delegasyon ang kontrobersyal at dating PCOO assistant secretary Mocha Uson.

Nagbitiw si Cayetano upang tumakbo bilang kongresista ng Taguig City at tangkain ang Speakership ng Kamara sa 2019. Noong 2016, inam­bisyon nitong maging Senate President subalit kinampihan ng maraming senador si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.