Una sa Balita

Lahat ng korap sa BuCor sibak — Duterte

0 331

MARAMI pa umanong ulo na gugulong sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Setting aside all the legal infirmities there, even if it was allowed, corruption was present. Sabihin ko lang sa inyo. And everybody will —will have to go. Alam nila ‘yan. Not because they were maybe exercising a questionable provision of law and arrogating upon themselves or to themselves that power, wala sa akin ‘yan,” sabi ni Duterte sa Bataan.

Gayunman, hindi umano magagalaw ang mga nagtrabaho ng maayos.

“If it has done in good faith, hindi kita anuhin. ‘Eh sir, walang…’ Pero kung sabihin mo na ‘bayaran’, ah that is another story. I will hit you not because the law was in the limbo but because of corruption. So ‘yan ang maaasahan ninyo diyan,” dagdag pa nito.

Magugunitang sinibak ni Duterte si dating BuCor chief Nicanor Faeldon dahil sa hindi pagsunod sa kanyang kautusan na ‘wag paka­walan ang mga bilanggo na sangkot sa heinous crime sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

30 pang opisyal ng BuCor ang isinailalim sa preventive suspension nang walang kaukulang sahod dahil sa esklandalo sa GCTA.

Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang mga ‘next in rank’ ng mga sinuspindeng opisyal na i-take over ang posisyong iniwanan ng mga sinuspindeng opisyal.

“Ang instruction ni Presidente ay iyong mga next-in-rank ang magti-take over doon sa mga suspended; sila ang papalit,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang interview.

Ang mga sinuspindeng BuCor official ay kinasuhan ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Samantala, suportado ng Department of Justice (DOJ) ang gustong mangyari ng Palasyo ng Malacañang na malawakang sibakan sa mga opisyal ng BuCor.

Itoy upang malinis na ang isyu ng katiwalian na matagal nang bumabalot sa ahensya.

Sa isang panayam, sinabi ni DOJ Undersecretary Deo Marco na higit na kinakailangan ng ahensya ang malawakang balasahan sa BuCor para magkaroon ng reporma sa sistema sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Naniniwala rin si Marco na dapat ding tutukan ang congestion sa NBP nang sa gayon ay masolusyunan at ma-monitor nang maayos ang mga bilanggo sa loob ng piitan.

Sa pamamagitan din nito ay madaling matututukan ang mga iligal na gawain ng mga bilanggo lalo na ng mga high profile inmate. (Prince Golez/Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy