Una sa Balita

Lahat ng 737 Max 8 ipinagarahe ng Boeing

0 550

INIREKOMENDA ng Boeing nitong Miyerkoles ang paggarahe sa lahat ng 737 Max 8 aircraft sa buong mundo bilang bahagi ng pag-iingat bunsod ng pagbagsak ng dalawang modelo ng eroplano sa nakalipas na limang buwan.

Ang hakbang ng American multinational company ay kasunod ng pahayag ni US President Do­nald Trump na kailangan i-ground muna ang lahat ng Boeing 737 Max 8 aircraft habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagbagsak ng Ethiopia­n Airlines plane na kumitil sa 157 sakay ng eroplano noong Linggo.

Umaabot na sa 50 bansa ang nagdesisyon na ipatigil ang paggamit ng nasabing aircraft, kung saan unang nagdesisyon dito ay ang China na kilalang may trade war sa Estados Unidos.

Nag-akusa pa ang China na pinoprotektahan ng Amerika ang Boeing kaya’t napilitan ang Trump administration na ipag-utos ang grounding ng mga aircraft.

May kabuuang 5,011 order ang Boeing sa nasabing modelo ng aircraft at 350 pa lamang ang nade-deliver sa mga airline. Dahil sa pahayag ni Trump, agad na bumagsak ang halaga ng shares ng Boeing at tinatayang $25 bilyon ang nalugi sa kompanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy