Una sa Balita

Lahat nakatutok kay Tonelle Racasa

0 304

MADAMI ang nakamata kay country’s youngest Woman Fide Master Antonella Berthe ‘Tonelle’ Murillo Racasa na kakatawanin ang bansa sa nalalapit na World Youth Rapid at Blitz Chess Championship sa Abril 12-16 sa Heraklion, Creta, Greece.

Ang kanyang kampanya, lokal man o internasyunal, ay suportado nina D. Edgard A. Cabangon ng ALC group of companies, Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor) Chairman Andrea D. Domingo, Honorable Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos-Vargas ng Mandalu­yong City, Engr. Rogelio SP Lim, President ng RSP Lim Construction Co Inc. Owner at developer ng Boni Tower, Immediate Past President ng Makati Med Mam Rose Montenegro at Mam Jean Altobano ng Multimodal Security and Investigation Agency Inc.

Masisilayan din ngayong Lunes ang 12-year-old na si ­Racasa, grade 6 pupil ng VCIS – Home School Global, sa tinampukang University of the Philippines-Alpha Phi Omega-Patinikan sa Chess na gaganapin sa Magno Hall, UP DMST Ylanan Road, UP Diliman Campus sa Quezon City.

Ayon sa kumpare nating si Arena Grandmaster Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., si Racasa ay sariwa pa sa pagrereyna sa 2020 National Age Group Chess Championships-Visayas Leg (Under 14 Girls) na ginanap sa SM Seaside Cebu City nitong Enero 3-5.

Si Racasa ang hinuhulmang susunod sa yapak ng country’s lone woman grandmaster Janelle Mae Frayna.

***
Ipinababatid pa rin ni AGM Bernardino na patuloy pa din ang pagpapatala sa tinampukang Rred Works 2100 Average Team Open 4×4 Rapid Chess Team Tournaments na gaganapin sa One League Inc. Southgate Mall na mas kilalang dating Alphaland Southgate Mall sa Magallanes, Makati City sa Marso 15.

Umaatikabong P20,000 ang mapapanalunan ng koponan na magkakampeon ayon kay tournament organizer na si Genghis Katipunan Imperial, P3,000 ang registration fee na may libreng lunch.

Walang on-site re­gistration kaya tumawag sa numero 0926-251-4205 para sa karagdagang detalye.
***
Nais ko pong magpasalamat sa pamilya ko, mga kaibigan at supporter po natin sa chess na bumati sa ­aking kaarawan nitong nagdaang linggo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More