Una sa Balita

Lagusan ng 3 barangay sa Mandaluyong pinadlak

0 547

Isinailalim na sa heightened community quarantine ang tatlong barangay sa Mandaluyong City matapos na tumaas ang bilang ng kaso ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Alex Sta. Maria, City Health Officer, nasa 35 na ang nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 117 ang mga persons under investigation (PUI) at 409 ang persons under monitoring (PUM). Dalawang COVID-19 positive patients at apat na PUI na ang namamatay sa lungsod.

Base sa tala ng Mandaluyong PIO, isinara na ang lahat ng lagusan sa Barangay Hulo dahil sa posibleng pagkalat ng sakit sa mga residente.

Bukod dito ay isinara na rin at isinailalim sa heightened community quarantine ang ilang lugar sa Barangay Addition Hills at Barangay Mauway.

Sa inilabas na Executive Order No.12 ng Office of the Mayor, complete closure ang ipatutupad sa Saniboy Street at F. Blumentritt Street.

Partial closure naman sa Coronado Street, J. Rizal Street, Private Road at San Francisco sa Barangay Hulo matapos ilagay sa heightened community quarantine ang isang barangay kapag dumarami na ang bilang ng mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM). (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More