Una sa Balita

Laguna resort caretaker pahiya sa pamboboso, nagbigti

By
0 516

DALA marahil ng matinding kahihiyan sa ginawang pamboboso, nagpakamatay ang isang caretaker ng resort sa Cavinti, Laguna noong Miyerkules nang gabi.

Kinilala ng Cavinte police ang nagpakamatay na si Joenel Bayking, 27-anyos, careta­ker ng Caliraya Surf Camp Resort sa Barangay West Talaongan.

Ayon kay PO1 Khezer Calimag, imbestigador ng Cavinti police, ang biktima ay nakita na lamang ng kanyang live-in partner na nakabigti sa sanga ng kahoy sa likod ng kanilang bahay dakong alas-7:30 nang gabi.

Huli aniya itong nakitang buhay at nakausap ng kanyang ka-live- in isang oras bago ito nagpatiwakal kung saan lasing na ipinagtapat nito ang pangyayari na nahuli umano siya ng isang babaeng guest sa resort na namboboso habang naliligo sa banyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy