Una sa Balita

Laguna bet Alexandra Paez susulong sa Rapid Chess

By
0 104

NAKATUON si Cabuyao, Laguna bet Alexandra Sydney Paez sa 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Championships na gaganapin sa Activity Center Ayala Malls South Park sa Alabang, Muntinlupa City.

Markado ang Grade 8 student ng Colegio de San Juan de Letran-Calamba sa event na magsisimula sa Oktubre 6.

Nagkampeon siya sa 26th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) Lipa City, Batangas at nag runner-up naman sa 2018 National Age-Group Chess Championships (Visayas Leg) na ginanap sa City Mall sa Kalibo, Aklan kamakailan.

Kasali rin sa tulakan ng piyesa sina 9-year-old Webster Lagera at 13-year-old Oryza Reign Repato na qualifier sa 2018 Batang Pinoy Finals.

Ang nasabing event na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ay bukas sa lahat ng manlalaro rated o unrated.

Ipapatupad ang 7-round Swiss system four division tournament na may time control 20 minutes plus 5 seconds delay sa bawat manlalaro para tapusin ang laro. ()