Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Lagot ka sa jowa mo’ Robi natulala kay Samantha Richelle

0 66

Nakakatuwa, nakakaaliw si Robi Domingo sa virtual mediacon ng ‘Almost Paradise’ na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Christian Kane,  at prodyus ng ABS-CBN at Electric Entertainment, at napapanood Kapamilya Channel at A2Z.

Likas na pilyo si Robi, at madalas nga niyag biruin ang mga kaharap niya, o ini-interview niya. Pero, ibang klase ang naging ‘tama’ sa kanya ng magandang aktres na isa rin sa mga bida ng ‘Almost Paradise’ na si Samantha Richelle.

Aba, pinakilala pa lang niya si Samantha, kinilig na agad siya.

“Grabe na-starstruck ako! Iba ang smile ni Samantha!” sabi ni Robi na super ngiti talaga.

Eh, sa kuwento ni Samantha, sobrang nag-enjoy raw siya sa taping ng ‘Almost Paradise’ na parang isa silang pamilya.

SM food to go Banner Ad

“Kapamilya. Yan ang tawag namin diyan, Kapamilya!

“Teka, bakit ako kinilig? Hahahaha!” sabi pa uli ni Robi.

Well, kahit nga si Direk Ruel Bayani, pinansin ang sobrang kilig ni Robi. Na hindi naman kataka-taka dahil super ganda ni Samantha.

Pero, teka lang, ano kaya ang masasabi ng dyowa ni Robi? Na ang dyowa niya ay kinikilig kay Samantha?

Work lang ba `yon? Well…. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.