Una sa Balita

Lagot ka kay Dennis Padilla Joshua bubuntisin muna bago pakasalan si Julia

By
0 688

Para sa iba, maaaring naka­kagulat ang sinabi ni Joshua Garcia na gusto muna niyang magkaanak bago magpa­kasal, pero para naman sa iba ay nagiging praktikal lamang daw ito.

Iba’t iba nga ang naging reaksiyon sa pahayag niya sa panayam sa kanya sa Kapamilya TFC Live dahil na rin siguro sa kanya-kanyang pananaw tayo sa buhay.

Aba, kung ‘yun ba ang choice niya, may magagawa ba tayo? Kung ‘yun ang opinyon niya, ano naman sa atin ‘yun, ‘di ba?

Pero, sa mga moralista nga, maaaring kontrobersiyal ang statement na ito ng Kapamilya young actor, lalo na’t nasa gitna ito ng isang relasyon, pero, ano nga ba ang magagawa natin?

Hindi naman kasi ibig sabihin nito na talagang gagawin niya ‘yun dahil unang-una, hindi-hindi rin siguro papayag ang parents ni Julia Barretto na mangyari ‘yun.

O, kahit sinumang magulang ng babae kung sakaling iba na ang kanyang karelasyon sa edad na 27 na siyang ideal age niya para magkaroon ng sa­riling supling.

Well, kahit noon pa man ay nangyayari na ito, pero ang iba nama’y napagtatagumpayan naman nila ito nang maa­yos. Naitatawad nang maganda dahil kanya-kanya lang naman ‘yan na diskarte sa buhay.

Ang iba nga’y ikakasal muna tapos nagkaanak, e, asan sila ngayon, devah?

At saka, napakaganda ng takbo ng career ni Joshua para isipin na kaagad ‘yun.

Natanong lang naman siya, at sinagot lang naman niya nang ayon sa kanyang sariling paniniwala at opinyon.

Hindi naman ibig sabihin nito na bubuntisin niya muna si Julia at pakakasalan later on pagdating niya sa edad na ‘yun.

We doubt it lalo na’t ang dami pa nilang trabahong dapat asikasuhin katulad ng teleseryeng ‘Ngayon at Magpakailanman’ sa Kapamilya network, devah?

Korekek!