Una sa Balita

Laging kausap ay anghel dela guardia

0 170

Mga ka-Misteryo siguro naman marami sa atin ang naniniwala na may kasama tayong anghel dela guardia o guardian angel pero iilan lang ang mapalad na maka­kita o mahawakan sila.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Hindi clairvoyant si Romy ng Dumaguete pero malakas ang kanyang pakiramdam sa mga nilalang na hindi nakikita at may kaka­yanan siyang makipag-usap­ sa pamamagitan ng isip o telepathy.

Inamin ni Romy na lagi niyang nararamdaman ang presensya ng kanyang anghel dela guardia at karaniwan siyang makikita na tila may kahawak kamay habang naglalakad.

Inamin ni Romy sa #TeamMisteryo na nakakausap niya sa isip ang kanyang guardian angel kaya hindi siya nag-atubili na makipaghawak kamay kahit hindi niya ito nakikita.

Team Misteryo: “Paano ‘yun sa paningin ng ibang tao, para kang baliw habang nasa labas dahil hindi nakikita ng iba ang iyong kausap o kahawak-kamay.”

Romy: “Ganun na nga ‘yun pero ok lang kasi alam ko mas matino ang isipan ko ha ha ha!”

Team Misteryo: “May pagkakataon ba na may nagtanong sayo kung bakit ganun kung maglakad ka parang may kahawak at may kausap ka?”

Romy: “Oo naman marami nang beses at sinasabi ko naman sa kanila na kasama ko guardian angel ko. ‘Yung iba gustong maniwala habang ang iba ay naghahamon pa na ‘sige nga magpakita siya sa amin”, well sabi ko dapat makita niyo muna guardian angel niyo kasi sila ang kasama niyo.”

Team Misteryo: “May time ba na sinabihan mo guardian angel mo na magpakita siya sayo.”

Romy: “Oo naman pero talagang hindi ko siya maki­ta at least masaya na ko nararamdaman, nahahawakan at nakakausap ko siya.”

‘To see is to believe’ – ‘Yan ang karaniwang gusto ng karamihan sa atin pero tulad ni Romy at iba pa mas mai­nam na ‘Believe first before we see them’ dahil mas importante dito ang paniniwala o pananampa­lataya.

***

Para sa inyong mga totoong kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.rey­tsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy