Una sa Balita

Laganap na naman ang holdapan

By
0 142

Lumalaganap na naman ang mga nangyayaring krimen sa ilang bahagi ng ating bansa, partikular sa Metro Manila.

Maliban sa malalagim na krimeng nangyayari na ang pinakahuli ay ang walang awang panghahalay at pagpatay sa bank employee sa Pasig City na si Mabel Rama ay sangkatutak na petty crimes ang nababalita.

Sa katunayan nitong mga nakalipas na araw ay may mga naitala nang holdapan sa taxi at UV Express.

Dumarami na rin ang mga kaso ng holdapan sa mga bus bukod pa sa hindi matigil-tigil na kaso ng pag-atake ng riding-in-tandem.

Ang mga masasamang-loob na ito ay mu­ling nagbabalikan bago dumating ang Kapaskuhan kaya sana ay matinag naman ang ating kapulisan.

Related Posts

Kumilos at magpatupad ng karampatang hakbang para matigil na ang panliligalig ng mga masasamang-loob.

Tutal din lang ay ipinangako ng Philippine National Police (PNP) ang pagtutok sa laban sa kriminilidad matapos na bawiin sa kanilang poder ang kampanya kontra iligal na droga, ang sa akin sana naman ay manumbalik ang magandang situwasyon sa ating bansa katulad noong mga unang taon ng administrasyong Duterte kung saan ay bibihira lamang ang naitatalang kaso ng holdapan.

Magtrabaho naman kayo at huwag gamiting palusot ang nalalapit na panahon ng Kapaskuhan kaya naglipana ang mga holdaper.

Unang-una hindi naman maglalakas-loob ang mga holdaper na iyan kung totoong ramdam ang presensiya ng mga awtoridad sa mga pampublikong lugar.

Kaya sana ibalik ng PNP ang kanilang pagi­ging pursigido sa giyera kontra kriminalidad upang maramdaman naman ng taumbayan ang kaligtasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy