Una sa Balita

Lady Tams sinuwag ang Lady Blazers

By
0 152

Mga laro bukas:
(PhilSports Arena)
4:00 p.m. — SBC vs UST 
6:00 p.m. — NU vs SSC-R

Madaling sinuwag ng Far Eastern ­University Lady Tamaraws ang NCAA defending cham­pion College of Saint Benilde Lady Blazers, 25-16, 25-18, 25-18 kahapon sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ipinaramdam ng last year’s Final Four squad Far Eastern ang kanilang lakas matapos talunin ang Saint benilde sa tatlong sets.

Pinangunahan ni Bernadeth Pons ang opensa ng Lady Tamaraws matapos tumikada ng 11 puntos at walong attacks upang saluhan ang NCAA runner-up San Sebastian sa tuktok ng Group B.

Sumahog din sina skipper Remy Palma at Toni Basas ng tig 10 points para sa Lady Tamaraws habang nagtala si Angelica Cayuna ng 19 sa kanyang 36 excellent sets.

“Hindi namin in-expect na mananalo kami ng straight three sets kasi NCAA title holder sila at kumpleto naman ang tao nila kaya siguro adjustment lang din.” wika ni FEU coach Shaq delos Santos.

Maganda rin ang ipi­nakita ng Lady Tamaraws sa kanilang depensa, naka-iskor sila ng 10 blocks laban sa apat ng Lady Blazers.

Sinamatala ng Lady Tams ang matamlay na umpisa ng Lady Blazers para maka-ipon agad ng 10 puntos na bentahe at lumubo pa sa 13, 24-11 sa unang sets.

Nagtala muna ng 5-0 run ang CSB bago tuluyang sumuko.

Nagtala si Jeanette Panaga ng pitong puntos para sa St. Benilde habang nag-ambag si Chelsea Santillan ng six markers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy