Una sa Balita

Lady Tamaraws taas-noong iiwan ni Pons

By
0 842

Mapait ang panlima at panapos na karera sa pag­lalaro ni Bernadeth Pons sa kolehiyo, salto siyang matrangkahan ang Far Eastern University sa titulo ng 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament.

Muling tumaob ang FEU Lady Tamaraws noong Miyerkoles kontra De La Salle University sa Game 2 ng finals, 24-26, 20-25, 24-26, at humaba pa sa isang dekada na ang tagtuyot sa korona ng Morayta-based volleybelles matapos huling makaupo sa trono noong 2007-08.

Bago ang kabiguang iyon na nagsilbing title-clinching para sa pangatlong grand slam at ika-11 titulo sa pangkalahatan ng DLSU Lady Spikers, yumuko na rin ang L’Tams sa ­finals opener, 27-29, ­21-25, 22-25, kasama pa ang dalawa sa eliminations laban sa Taft-based squad.

Nagtubog ang do-it-all 5-foot-7, team skipper, graduating outside hitter ng 16 attacks pa-17 points sa last game na kumumpleto ng kanyang breakout year.

“May lungkot siyempre pero overall masaya na rin ako kahit na hindi kami nag-champion,” ani Pons, na tinukoy na may maiiwan siyang positibo pa rin para sa mga nasa team pa na puwedeng mabitbit ng mga ito sa susunod na ­taong giyera.

“‘Yung experience na ito (finals) is a stepping stone sa mga matitira next year to bounce back,” hirit ni Pons, na naging contender din sa season MVP na pinanalunan ni Jaja Santiago ng National University, at maging sa Finals MVP na napunta kay Dawn Nicole Macandili ng La Salle, kung nanalo lang ang FEU.

Sa panapos, giniit niyang ang sabay na magandang pinakita pa niya sa team sa liga kasama ang sa academics ang kabilang pa sa mga positibong mapapabaon pa rin niya sa mga karantso.