Una sa Balita

Lady Stags wagi sa Lady Eagles

By
0 145

Games bukas:
4:00 p.m. — TIP vs. NU
6:00 p.m. — St. Benilde vs. UP

Binaon ng San Sebastian College Lady Stags sa ilalim ng team standings ang Ateneo de Manila University Lady Eagles matapos paluin ang 25-23, 25-22, 25-23 panalo kahapon sa V-League Season 13 Collegiate Conference elims sa PhilSports Arena.

Nagtulong sa opensa sina two-time NCAA Most Valuable Player at Open Conference MVP Grethcel Soltones at Denice Lim para ibangon ang Lady Stags mula sa pagkakadapa makaraan at kalawitin ang 2-1 karta.

Nirehistro ni Soltones ang 16 points kasama ang 12 spikes at apat na service aces habang may 12 markers si Lim.

Matapos ang easy win ng San Sebastian kontra Perpetual Help Altas, yumuko naman sila sa tatlong sets laban sa defending champion National University Lady Bulldogs, 22-25, 27-29, 21-25 noong Miyerkules.

“We made some adjustments coming off a loss to NU. We played better this time and showed some toughness on the floor,” saad ni Soltones.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy