Una sa Balita

Lady Stags tuloy ang sweep bid

By
0 5

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center, San Juan City)
8:30 a.m. — EAC vs St. Benilde (jrs)
10 a.m. — EAC vs. St. Benilde (m)
11:30 a.m. — EAC vs St. Benilde (w)
1 p.m. — JRU vs San Sebastian (w)
2:30 p.m. — JRU vs San Sebastian (m)

Puntirya ng San ­Sebastian na walisin ang mga katunggali sa single round elimination ng women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament pagharap nila nga­yong araw kontra Jose Rizal University sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Pinangunahan ni reigning MVP Grethcel Soltones ang Lady Stags para payukuin ang Emilio Aguinaldo Lady Generals, 25-13, 25-20, 25-22 noong Miyerkules at ilista ang fifth straight win.

Tanging ang San Sebastian na lang ang hindi pa nakakatikim ng talo.

Wala pa sa dating porma si Soltones, nag-average lang ito ng 16 points, pangalawa kay league scoring leader Francesca Racraquin ng San Beda na may 17 hits per game.

Umaasa naman si San Sebastian coach Roger Gorayeb na lalabas din ang tikas ni Soltones na nakakakuha ng suporta­ kina Joyce Sta. Rita at Katherine Villegas.

“This sport is a team game so we have to perform as a team and not rely too much on individual ta­lent,” saad ni Gorayeb.

Kapag nawalis ng Lady Stags ang elims, ­diretso na sila sa best-of-three finals.

Magiging stepladder semifinals naman ang ­Final Four kapag umarangkada sa Finals ang San Sebastian kung saan ay maghaharap sa knockout game ang Nos. 3 at 4.

Haharapin ng mana­nalo ang No. 2 squad na hahawakan ang twice-to-beat edge.

Sa men’s play, magtutuos ang St. Benilde (4-1) at EAC (0-5) sa 10 a.m. habang katapat ng San Sebastian (2-3) ang Jose Rizal (1-4) sa 2:30 ng hapon.