Una sa Balita

Lady Stags swak sa quarters

By
0 127
vleague-collegiate-sscr-tip
Pinanood nina Grethcel Soltones at Joyce Sta. Rita ng San Sebastian ang kakamping si Alyssa Eroa na tinatangkang isalba ang bola laban sa TIP sa laro kahapon sa Shakey’s V-league Collegiate Conference sa Philsports Arena. (Patrick Adalin)

Nakatakas ang San Sebastian College sa Technological Institute of the Philippines, 25-22, 13-25, 25-18, 16-25, 15-7, para kunin ang unang quarters berth sa Group A ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena kahapon.

Kumana si Grethcel Soltones ng 28 puntos para sa SSC, na tinapos ang elims na may tangang 3-1 win-loss.

“Sabi ko lang sa kanila no pressure pero kaila­ngan din namin ng momentum para sa next round,” pahayag ni San Sabastian College coach Clint Malazo.

Umarangkada sa 3-0 ang SSC sa fifth set hanggang lumobo sa siyam ang lamang, 13-4. Dumikit pa ang TIP, 6-13, pero binitbit na ni Denice Lim ang kopunan sa match point.

Nakakuha naman ng pag-asa ang TIP sa ser­vice error ni Gethcel Soltones pero ang sariling service error ni Mylene Paat ang nagbigay ng panalo sa San Sebastian.

Gayun pa man ay masaya si Malazo dahil nakita niya kung hanggang saan ang kayang ibuga ng kanyang mga bata.

“Kung titignan, positive naman,” saad niya. “Alam mo ang pakiramdam, alam mo kung hanggang saan (ang team) natest lang ang character ng mga bata.”

“Positive na rin (ang effect sa team) para alam mo kung kaya ba nila ang pressure,” dagdag niya.

Tumapos sina Lim at Katherine Villegas ng tig-11 puntos para sa SSC at si Joyce Sta. Rita ay nag-ambag ng 10 marka.

Gumawa ng 71 puntos si Paat para sa TIP, si Alyssa Layug ay may 13 at si Eden Maturan ay may 10 marka. Nahulog sa 2-2 ang Lady Engineers pero buhay pa sila para sa quarterfinals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy