Una sa Balita

Lady Spikers balik tikas

By ,
0 233

MATAPOS ang dalawang sunod na setback, balik sa win column ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa pagwalis sa University of the East (UE) Lady Warriors sa loob ng tatlong set 25-18, 25-20, 25-18 sa first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Sabado sa The Arena sa San Juan City.

Balik sa winning form ang Taft-based squad ni coach Ramil de Jesus matapos ang dalawang sunod na talo at itarak ang 4-2 panalo-talo baraha.

Wala man ang kapitanang si Des Cheng, umariba pa rin ang tropa sa pangunguna ng senior na si Tin Tiamzon at rookie na sina Marionne Alba at Jolina dela Cruz.

“Alam naman namin na meron kaming pagkukulang doon sa game na ‘yun and the next day sabi ni coach ‘kalimutan na lahat, focus tayo sa game natin against UE and start tayo from there,” sabi ni Tiamzon, na pumalo ng 10 puntos.

Bukod kay Tiamzon, bumida rin ang rookie na si Dela Cruz nang pumoste ito ng 14 na puntos habang may apat na puntos naman si Alba.

Bagaman sinanay bilang second setter, hindi naman aniya bago kay Alba na malagay sa spiker position at handa naman siya na maglaro sa kahit anong posisyon pa ang ibigay sa kanya ni coach Ramil.

“Alam ko naman ‘pag once na ipinasok niya ako, malaki ang tiwala niya sa akin,” ani Alba, na unang sumabak sa first six kahalili ni Cheng.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy