Una sa Balita

Lady solon walang pinipiling lugar sa panenermon ng staff

0 443

WALA raw pinipiling lugar ang isang babaeng mambabatas kapag sinesermunan niya ang kanyang staff.

Katulad halimbawa noong ­ginawang pagbisita niya sa isang bayan sa Cavite para sa distribusyon ng mga school chair.

Bago magsimula ang seremonya, mainit na ang ulo ng lady solon at napagbuntungan ang kawawang staff.

Puro masasakit na salita ang binitawan umano ng mambabatas sa kanyang staff na halos maiyak sa tinanggap na sermon.

Inawat lang daw ang ­mambabatas ng isa pang staff dahil maraming tao ang nakapanood sa ginawang ­panenermon sa kanilang empleyado.

Makalipas ang ilang minuto, ­parang walang nangyari sa ­mag-amo dahil tinuloy ng ­mambabatas ang ­distribusyon ng silya habang ­umaalalay naman ang nasermunang staff.

Pintahan niyo na. Ang lady solon na walang pinipiling lugar sa pane­nermon ng staff ay super sa yaman at may letrang L sa kanyang apelyido as in adik sa lote.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More