Una sa Balita

Lady solon takot sa drug test

0 625

MUKHANG may itinatago­ itong isang babaeng mambabatas matapos iwasan ang ikinasang taunang drug test sa kapulungan.

Inobliga kasi ang mga mambabatas na sumailalim sa taunang drug test mali­ban sa isang lady solon na ito

Nalaman ni Mang Teban na noong araw na isagawa ang drug test, hindi pumunta ang mambabatas na ito sa kanyang tanggapan para magpa-drug test.

Ang kanyang palusot, meron daw siyang ­speaking engagement noong araw na iyon kaya hindi siya makakapunta sa kanyang opisina.

Pero ang totoo, nasa bahay lang ito. Sinabihan naman siya ng kanyang staff na puwede namang magpa-test sa designated center subalit tumanggi din daw ito.

Giit ng mambabatas,­ pagkatapos lang ng kanyang bakasyon siya magpapa-drug test. Pero pagbalik nito mula sa bakasyon ay hindi naman niya ito ginawa. Sino siya?

Clue: Ang sikat na lady solon na ito na takot magpa-drug test ay mula sa kilalang angkan sa Luzon. May letrang I sa kanyang pangalan as in ‘iwas’ muna sa drug test.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More