Una sa Balita

Lady solon sumingit sa speech

By
0 1,227

Naging ‘prima donna’ ang dating ng isang ma­taas na opisyal ng pamahalaan sa pagdi­riwang kama­kailan ng anibersaryo ng isang ki­­la­lang institusyon sa Nueva Ecija makaraang hindi pumayag na hindi mauna sa pagbibigay ng kaniyang mensahe.

Sa orihinal na daloy ng palatuntuntunan, na­sa­ pang-anim na bahagi ang pangalan ng naturang opis­yal na mag­bibigay ng kaniyang mensahe, kasama ang dalawang iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Tila nagulat si Prima Donna na hin­­di dumalo ang dalawa pang mataas na opisyal at pa­wang mga kina­tawan na lang ang mga pinasipot.

Kaya’t noong nagsasalita pa lang ang pa­ngatlo na nagbibigay ng mensahe, na nagsasalaysay pa sa mga ‘throwback’ ay ‘di napigilan si Prima Donna na tumayo at pumunta sa may gilid ng hall at sinita ang kaniyang chief na alalay.

“Bakit pumayag kayo na hindi ako pinaunang mag­salita!” ang ginawang paninita daw ng prima donna sa alalay.

Nagmadaling binulungan ng alalay ang namumuno sa institusyon at sinabi ang pag-aalburuto ng kaniyang amo.

Agad-agad namang umak­yat sa entablado ang chief ng institution at nilapitan ang noo’y abalang speaker na si­nabihang pasingitin muna si Madam.

“Ok ok, itutuloy ko na lang po ang aking mensahe mamaya dahil kailangan na pong magsalita ni…..at may hahabulin pang appointment sa Maynila,” ang sambit na lang ng nabiting speaker.

Pintahan niyo na. Ang prima donna na speaker ay isang mam­ba­batas at may letrang C sa kanyang pangalan as in Chocolate.