Una sa Balita

Lady solon numero unong tsismosa

0 425

May kakaibang habit itong babaeng lawmaker kapag wala siyang masyadong ginagawa o hindi masyadong abala sa kanyang trabaho.

Ito’y walang iba kundi maki-pagtsismisan sa kanyang mga amigo’t amiga sa tuwing nagpapang-abot ang mga ito sa kanilang mga gathering.

Ayon sa kuwento ni Mang Teban, laging tumatayong ‘bangka’ sa mga kuwentuhan ang mambabatas na ito kung saan daig pa nito si Lolit Solis o Boy Abunda sa pakikipagdaldalan.

Sa sobrang daldal nito, pati ang mismong asawa niya’y nilalaglag sa kanyang kakuwentuhan. Na kesyo kuripot daw at hindi na masyadong sweet sa kanya.

Pero ang pinakaaabangan ng kanyang mga amigo’t amiga ay ang tsismis nito tungkol sa kaibigan nilang mga politiko at negosyanteng sangkot sa mga iskandalo.

Nagugulat na lamang at hindi makapaniwala ang mga friends ng mambabatas na sa tuwing magbibitaw ito ng kanyang expose.

Ilan sa mga ibinulgar ng mambabatas nito ay tungkol sa mga negosyanteng may kabit at ang iba naman ay ba-ding o di kaya nama’y sinasalbahe ang kanilang mga asawa.

Pintahan nyo na. Mahilig manermon sa mga resource speaker sa mga committee hearing mambabatas na ito na may letrang A sa kanyang apelyido as “awat” na po sa kuwento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy