Una sa Balita

Lady solon namudmod ng panis na kaong

0 386

MARAMI ang nadismaya sa regalong ipinamudmod ng mambabatas nitong nagdaang Disyembre.

Sa halip na ngiti, asim na mukha ang naipinta ng ilang sa mga nakatanggap ng regalong grocery item na ipinamahagi ng lady solon last year.

Ayon sa sumbong ng ilang impormante kay Mang Teban, halos masuka sila nang malasahang panis pala ang kaong na nakalagay sa basket of goo­dies na natanggap nila mula sa tanggapan ng lawmaker na ito.

Tuwang-tuwa pa naman umano sila dahil hindi na sila bibili ng pang-fruit salad dahil kumpleto na ang ibinigay nitong sangkap sa paggawa nito.

Subalit nang ihalo na ang kaong sa fruit salad, naamoy nilang maasim ang nasabing sangkap. At nang lasahan nila ito, panis pala ang kaong na nakalagay sa botelya.

Ang resulta, hindi napakinabangan ang tinimplang fruit salad dahil umaasim na ito bunsod ng pagkakahalo ng kaong. Sino siya?
Pintahan n’yo na: Ang lady solon na namigay ng panis na kaong ay mula sa kilalang angkan at may letrang L sa kanyang apelyido as in sugapa sa Lote.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More