Una sa Balita

Lady solon namirata ng biktima

By
0 576

INILIGTAS ng pamahalaan ang tatlong babae mula sa prostitusyon sa isang bansa sa Southeast Asia kamakailan.

Subalit hindi naman sila nakaligtas sa isang mambabatas matapos gamitin sa kanyang pagpapalapad ng papel sa publiko.

Base sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, hawak ng isang network ang tatlong­ kababaihan­ subalit kinuha ng mambabatas at ginamit na props sa ­kanyang press conference.

Sinasabing adbokasiya umano ng mambabatas ang pagtulong sa mga taong inabuso sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaya’t sinamantala ang pagsagip ng gobyerno sa tatlong biktima.

Pero nang minsang­ lumapit sa kanila ang nanay ng OFW na ­pupugutan ng ulo sa ­Middle East, itinaboy ng mambabatas dahil sa ayaw gumastos sa blood money.

Malaki kasi ang ambisyon ng lady solon­ kaya’t ginagawa ang lahat ng gimik, tulad­ ng pagpapakita ng ­kabutihan sa ibang tao, pero terror naman sa kanyang mga staff.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na namirata ng biktima­ ng prostitusyon­ ay ­kilalang ­mayaman. May letrang A sa kanyang pangalan. ­