Una sa Balita

Lady solon nagwala sa opis ng Senador

By
0 711

Kung anong askad ng mukha, siya ring gaspang ng ugali ng isang miyembro ngmatapos na magwala sa tanggapan ng isang miyembro ng Senado.

Ang ipinagpuputok ng butse ng lady solon, hindi raw agad siya pinapasok sa kuwarto ng senador na gusto niyang makausap ng hapong iyon.

Sa natisod na impormasyon ni Mang Teban, dumalaw daw ang kongresista sa tanggapan ng senador at didiretso sana sa kuwarto ng miyembro ng Senado nang harangin siya ng staff.

Sinabihan siya ng staff na maghintay muna dahil sa may ina­ayos lang ang senador, pero imbes na makinig ay nagalit pa ang lady ­solon at nagmamadaling pumasok sa kuwarto ng mambabatas.

Makalipas ang ilang minuto, paglabas ng lady solon ay binuweltahan nito ang staff at nagpuputak with matching taas ng kilay at irap habang papa­labas ng opi­sina ng se­nador, mistulang eksena sa pelikula o teleserye nung kasi­katan ng kon­trabidang si Bella Flores.

Pintahan niyo na. Ang lady solon na nagwala sa tanggapan ng senador ay makinis sa poster pero magaspang ang mukha sa personal. May letrang S sa kanyang pangalan.