Una sa Balita

Lady solon nagkuripot sa biyahe sa abroad

0 708

SINO raw itong mambabatas ang umiral ang pagkakuripot sa kanyang biyahe sa abroad?

Dalawa raw kasi ang nag-imbita sa mambabatas at pareho niya itong tinanguan.

Ang masaklap nito, ayon sa info ni Mang Teban, halos magkapareho ang petsa ng biyahe sa abroad.

Pinili raw ng lady solon ang biyahe kung saan wala siyang gagastusin imbes na sa kabila na maglalabas pa siya ng malaking pera.

Ang classic nito, kapartido ang tinabla ng mambabatas kaya’t todo paliwanag ang gagawin niya sa taong nag-imbita sa kanya.

Kilalang mayaman itong lady solon pero pagdating sa gastusan, parang may fish net ang bulsa nito dahil sa pagiging kuripot.

Pintahan niyo na. Ang lady solon na inisnab ang magastos na biyahe upang sumama sa libreng trip abroad ay kahawig ni Imelda Papin ang hairdo at may letrang M sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy