Una sa Balita

Lady solon ginutom ang mga tauhan

By
0 868

UMAAPAW ang yaman ng kanyang pa­milya, pero pagdating sa gastusan, daig pa niya ang gastos ng pamilyang kumikita lang ng P10,000 kada buwan.

Natuklasan ng petmalung spy na si Mang Teban, ginawa daw ito ng lady solon nang minsang du­malo sa ­speaking engagement.

Napaaga daw ang dating ng mambabatas sa venue, as in nauna pa siya sa mga organizer at mga audience, kaya’t umikot muna ito sa McDonald’s upang mag-almusal.

Aba’y sa dinami-dami ng kanyang bodyguard, plus may kasama pang staff, akalain niyo bang ang inorder niya ay isang pirasong hamburger lang.

Hindi naman daw maramot ang lady solon dahil hinati niya ang hamburger at ibi­nigay sa isang bodyguard na napilitang kainin ang burger upang hindi mapaga­litan ng amo, pero ang ibang tauhan ng mambabatas ay n­ganga.

Hindi nakapagtatakang yumaman ang mambabatas na ito dahil kung gumastos, aba’y pang P10K na budget per month tulad ng ipinapalabas ng NEDA.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na pinagdamutan ng pagkain ang mga tauhan ay maraming negosyo. Kung siya ay senador o kongresista, hulaan nyo sa letrang C dahil kamukha raw niya si Chokoleit.