Una sa Balita

Lady solon bisyo ang mangurot ng staff

By
0 947

Sino raw itong lady solon na ang hilig ma­ngurot ng staff kapag hindi nagustuhan ang ipinatatrabaho?

Nakarating sa impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, ayaw daw ng mambabatas na pumapalpak sa trabaho ang kanyang staff.

Kakaibang parusa raw ang ginagawa ni Madam sa pumapalpak sa trabaho dahil sa nilalapitan nito ang staff at kinukurot sa singit.

Wala raw pinipiling lugar ang mambabatas dahil kahit na sa harap ng maraming tao, kapag tinoyo ito ay basta na lang nangungurot ng staff.

Bukod sa pangungurot, sinasabayan din ng sermon ng mambabatas ang kapalpakang ginawa ng kanyang staff.

Nabigla nga raw ang ilang mambabatas sa ginawa ni Madam dahil kitang-kita nila kung paano saktan ng lady solon ang kawawang staff.

Muntik na raw magreklamo sa pulis ang staff kung hindi ito pinakiusapan dahil sa magiging kasiraan nito sa imahe] ng mambabatas.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na mabigat ang kamay sa staff ay kilalang mayaman ang pamilya. Kung ito ay senador o kongresista, hulaan nyo sa let­rang C as in Chocoleit.