Una sa Balita

Lady solon allergic sa sariling mukha

0 414

Sino daw itong mambabatas na ayaw na makikitang pangit ang kanyang mukha sa poster?

Ito daw ang dahilan kung bakit ipina-photoshop ni Madam ang kanyang larawan sa ipinagawang poster para sa muli niyang pagtakbo sa darating na halalan.
Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, makinis ang mukha ng lady solon sa ipinagawang poster, aba’y malayong-malayo sa totoong anyo.

Bumata rin daw ang mambabatas sa kanyang larawan kum­para ngayon na mukhang yaya.

Isa lang ang mam­babatas na ito sa nagpapabago ng mukha sa poster dahil sa tila hindi matanggap ang natural na kaanyunan.

Pintahan niyo na. Ang lady solon na ayaw ilagay sa poster ang tunay na mukha ay kila­lang mayaman. May letrang C sa kanyang pangalan as in mukhang Comedian siya pero mara­ming pinaiiyak na empleyado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy