Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lady rider pinisak ng truck

0 393

Todas ang isang babaeng rider habang sugatan ang dalawang dilag na angkas nito nang ang masagasaan ang kanilang motorsiklo ng isang trailer truck sa diversion road ng Maharlika Highway, Brgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na Melanie Cadiz, 32, na nasawi noon din matapos magulungan ng gulong ng tanker trailer truck na minamaneho ni Roy Aceras Buat mula Pili, Camarines Sur.

Sugatan naman dahil sa pagkatumba ng motorsiklo ng mga backider na sina Jacquelyn Ogayre, 18; at Donna Seboc, 16, kapwa taga-Atimonan.

Batay sa report ng pulisya sa Atimonan, tinatahak ng tanker ang highway patungong direksyon ng Bicol nang may mag-overtake na isa pang truck.

Para mapagbigyan ang lumalampas, lumipat sa kanang linya ang tanker ng 4 lanes highway kung saan nagkataong papa-overtake din ang motorsiklo ng tatlo, at nang mawalan ng kontrol ang lady rider ay dito na ito nagulungan ng gulong ng truck.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.