Una sa Balita

Lady pusher laglag sa Mandaluyong

By
0 926

KULUNGAN ang bagsak ng isang lady pusher makaraang mahuli sa isinagawang entrapment at drug buy-bust operation ng Mandaluyong Police, kamakalawa nang gabi.

Nahaharap sa ­kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous­ Drugs Act si Marilou Calumpiano y Cerbito, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa report, ikinasa ang buy-bust at ­entrapment operation ng mga tauhan ng ­station drug enforcement unit bandang alas-11:15 kamakalawa nang gabi sa 468 Block 27, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong­ City.

Isang pulis ang naki­pagtransaksiyon sa suspek at umaktong bibili ng droga ngunit nakatunog ang suspek at agad na tumakbo at nahuli rin sa loobang bahagi ng barangay.

Nakumpiska mula kay Calumpiano ang dalawang sachet na nag­lalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakadetine­ sa Mandaluyong detention cell ang suspek habang hinihintay pa ang pagdinig sa City Prosecutors ­Office.