Una sa Balita

Lady prof wanted sa enrollment scam

0 281

NAHAHARAP ngayon sa patong-patong na kasong Estafa ang isang babaeng college professor matapos itong ipagharap ng reklamo ng mga guro at principal na kanya umanong naloko sa anila ay college masteral at doctoral enrollment scam sa isang kolehiyo sa Maynila.

Kamakalawa nang hapon ay dumagsa sa Lipa City police station ang 18 mga guro at principal at inireklamo ang suspek na si Fortunata Angelina Endaya y Magtibay, 50-anyos, associate professor sa Kolehiyo Lungsod ng Lipa (KLL) at vice president for Aca-demic Affairs and Research din ng nasabing eskwelahan at residente ng Natunuan, San Jose, Batangas.

Batay sa reklamo ng mga biktima na karamihan ay mga guro at principal mula sa mga ba-yan ng Ibaan, San Juan, Lipa City at Batangas City, mula noong April 5, 2018 hanggang August 24, 2018 ay hinimok sila ang suspek na mag-enroll ng kanilang mga masteral at doctoral degree sa Metro Manila College (MMC) sa Maynila.

Nakumbinsi naman ang mga biktima dahil sa pangako ng suspek at dahil umano sa may koneksyon ito sa MMC ay sa Lipa City ang magiging venue ng klase at iaakma din ang kanilang mga class schedule sa kanilang mga libreng oras.

Subalit matapos makapagbigay ng pera ang mga biktima para sa kanilang enrollment at iba pang gastusin hanggang sa kanilang graduation, natuklasan nila na hindi naman pala konektado ang suspek sa MMC at hindi rin sila naka-enroll sa nasabing kolehiyo.

Bukod sa 18, may nauna na umanong nabiktima ang susspek na umaabot sa humigit kumulang sa 80 iba pa na mga guro. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy