Una sa Balita

Lady politician hilig magparetoke

By
0 130

KUMBAGA sa isang sasakyan, sumailalim sa overhaul itong politiko mula sa malayong lugar ng Luzon.

Sa kagustuhan kasing maging hot mama, aba’y pinaretoke ang mukha upang sa ga­yon ay mapalitaw na kaakit-akit pa rin siya kahit higit 60-anyos na ang kanyang edad.

Minsan na kasi siyang nilaya­san ng partner sa buhay, kung saan hindi umubra ang kanyang datung para mapanatili sa kanyang poder ang lalaki.

Pero kahit nagparetoke, hindi pa rin nakontento ang hitad sa kanyang mukha matapos na ipa-Photoshop ang kanyang larawan.

Hindi raw kasi nagustuhan ng politiko ang hitsura niya sa larawan, kaya upang mapalabas na mukhang bata pa siya ay ipinaretoke ang la­rawan sa mga maru­nong sa computer.

Pintahan niyo na. Ang lady politician na walang kumpiyansa sa kanyang hitsura ay balak tumakbo sa mas mataas na puwesto sa 2019 elections. May letrang M sa kanyang pangalan as in ‘Mapera’ ang kanyang pamilya.