Una sa Balita

Lady official pinagtripan ng 2 kongresista

By
0 1,020

Nag-iiyak daw ang isang dating opisyal ng gobyerno matapos pag­laruan ng mga kongresistang nakasalamuha sa isang okasyon.

Sa nakalap na tsika ng ating source, nagkita-kita raw sa isang sos­yalan ang magandang government official at ilang politiko, kabilang ang dalawang kongresista.

Napag-alamang sumaglit sa comfort room ang isa sa dalawang bidang congressman at dahil sa pagmamadali ay naiwan ang kanyang cellphone.

Walang kamalay-malay ang nag-CR na congressman na pinag­laruan pala siya ng kasamahang mam­babatas.

Gamit umano ang cellphone ng nag-CR na congressman na mula sa Metro Manila, ay tinext ang lady official ng mga katagang ‘I’m feeling horny tonight.’
Nagulantang umano ang babaeng opisyal sa tinanggap na text message.

Dahil sa pangyayari ay nagkagalit ang ma­gandang lady official at ang may-ari ng cellphone na nagamit sa kalokohan.

Pintahan niyo na ang mga sangkot sa kalokohan. Ang utak ay isang dating congressman na nasangkot na rin sa kontro­bersiya habang ang ikalawang congressman ay may edad na at mula sa isang lungsod sa Metro Manila.

Ang pinaglaruan naman nilang lady official ay malakas sa kahit anong adminis­trasyon kaya’t naka­bingwit ng puwesto ngayon sa gobyerno.