Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lady Gaga pinagtanggol ng dog walker

0 41

Anim na buwan pagkatapos mabaril ang dog walker ni Lady Gaga, kinuwento ni Ryan Fischer ang naging tulong ng singer sa pag-recover niya.

“She’s been a friend for me. After I was attacked, my family was flown out, and I had trauma therapists flown to me. And I stayed at her house for months while friends comforted me and security was around me,” kuwento ni Fischer kay Gayle King ng CBS This Morning.

Dinepensahan ni Fischer si Gaga sa mga nagsabing hindi siya tinulungan ng singer dahil may gumawa ng isang GoFundMe account para sa kanya.

Paliwanag ni Fischer, hindi raw lahat ng gastusin ay iaasa niya kay Gaga.

“I think it’s hard for people to understand why someone would go about healing in this way. I grew up in the Catholic Jesuit faith. There’s something about giving up your resources, giving up belongings and to contribute back to society, and I know it doesn’t make sense to a lot of people, but she totally gets it.”

February 2021 nang mabaril si Fischer dahil may mga nag-dognap ng dalawang French bulldogs ni Gaga na pinapasyal niya sa Los Angeles. Nabalik na ang aso ni Gaga at nahuli ang limang suspects sa pag-dognap at pagbaril kay Fischer. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.