Una sa Balita

Lady Gaga naaksidente sa Las Vegas concert

0 461

Super tight na ang security sa mga susunod na show ni Lady Gaga sa Las Vegas na “Enigma” sa Park Theater at Park MGM. Pinagbabawalan na ang sinumang fan or concert goer na umakyat sa stage pagkatapos ng nangyaring aksidente kunsaan nahulog sa stage si Gaga kasama ang isang male fan.

Ayon sa isang nanonood din na fan, nagulat sila sa naganap na aksidente.

“Gaga invited this man onstage. Gaga wrapped her legs around his waist and as he made a few short hops, he took a misstep and tumbled right off the side of the elevated platform and into the audience. The pair crashed hard onto the floor!”

Nakunan ng video ang nangyaring aksidente at mukhang nasaktan pareho sina Gaga at ang male fan dahil mataas ang stage na pinagbagsakan nila.

Pero laking gulat ng audience na nakatayo agad si Gaga at pinagpatuloy ang show. Pinakalma muna ni Gaga ang concerned audience niya at sinabi nito na hindi dapat sisihin ‘yung fan sa naging aksidente nila.

“Everything’s okay. The only thing that’s not okay is we need some stairs for the damn stage so we can get back up.

“11 years of being a fan and we f***ing love each other so much we fall off the damn stage… We were like Rose and Jack from the Titanic!” biro pa ni Gaga.

Hindi raw ito ang first time na ma-figure sa isang concert accident si Gaga. Noong 2013, she broke her hip during a production number sa kanyang Born That Way tour. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy